Linggo, Mayo 22, 2011

Jumpstart

Ako si Anonimo. Animo na lang for short. Walang alam sa pagsusulat. Ang mga usual readers ko lang noon ay mga close kong kaibigan. Sinasabi nilang may gift daw ako sa pagsusulat dahil enjoy na enjoy sila sa pagbabasa ng mga sinusulat ko. Syempre hindi ko naman sila pinaniniwalaan dahil mga kaibigan ko sila. hehe They're just being nice, mahal nila ako kaya tinatangkilik nila ako. Salamat sa ilan kong kaibigan na sobrang kulit sa pamimilit na gumawa ako ng sarili kong blog. Kailan ko lang muli napagisipan ang idea na ito at naalala ko ang personal blog na ginawa ko noon na nasa ilalim na ng alikabok. Binuhay ko itong muli at natuklasan ko na mayroong 3 posts doon at wala pa itong mga kwenta. hehe Sa ngayon marami na siyang posts (mga wala parin kwenta) at mga re-blogs galing sa ibang blog site (buti pa yung reblogs may sense). Syempre ang blog na yun ay personal, nakalathala doon ang impormasyon na magtuturo sa aking tunay na pagkatao pati ang aking twitter at facebook. Naisip kong gumawa ng isa pang blog. Isang blog na no-holds-barred. Isang blog na walang takot. Isang blog na mas maibubuhos ko ang tunay na nilalaman ng aking puso't damdamin. (Parang nagiging panatang makabayaan na yata.) Isang blog na sinusundan ng hindi lamang sa gwapo ang may akda at maraming gustong dumiskarte sa kanya. Isang blog na magiging extension ng pagkatao ko. Isang blog na pwede kong ilathala ang "Nagsusumigaw kong Bulong.."
 Pinili kong maging anonymous sa kadahilanang may pribado rin akong buhay na aking prinoprotektahan tulad mo. Maaring maraming maging rebelasyon sa mga isusulat ko rito kaya lumutang ang pangangailangan na itago na lamang ako isang "pen name". Isa pang kadahilanan ay upang mas maisakatuparan ko ang "no-holds-barred" kong plano.Mahirap nga naman na dakdak ako ng dakdak dito ng kung ano-ano habang nakapost ang personal kong impormasyon di ba. at karamihan naman dito ay anonymous rin kaya unfair naman kung di ko gagawin yun hehe.
Back to introductions. Kailangan pa ba nito? Unti-unti naman siguro ako maiintroduce habang parami ng parami ang mga bulong ko. Ilista na alng natin ang ilang basics:
  1. Isa akong sobrang "happy go lucky" na tao. as in sobra. Ngayon ko palang natututunan magplano ng buhay at 26. I guess I was just trying to live the most out of what I currently have. Simpleng pangarap, gaya rin ng kahit sino sa atin.
  2. Spontaneous. Konektado sa number 1. Maisipan ang maisipan. Gagawin agad ang gustong gawin.
  3. Direct to the point. Hindi uso sa akin ang magpaligoy-ligoy. Kaya hindi ko maituloy tuloy ang pagsusulat ng blog sa ikli ng mga naisusulat ko. Ngayon ko pa lang sinusubukang pahabain at i-detail ang mga pangyayari at mga gusto kong sabihin. Kasama na rin siguro ang pagiging prangka. Pero may mga bagay parin akong hindi masabi sabi sa ibang tao tulad ng mga skeleton sa loob ng aking closet.
  4. Mahilig akong magbasa. Nauubos ang oras ko sa pagbabasa lamang. Nahihinto lamang ang gawaing ito kapag ako ay umibig. Hindi ko alam kung bakit nahinto ako sa pagbabasa nung ako ay nasa isang relasyon. Nagbabasa parin kahit papaano pero hindi na gaya ng dati. Ngayong single na ko, sinusubukan ko nang magbalik-loob sa pagbabasa.
  5. Makwento akong tao. Halos bukas ang buhay ko sa kahit sinong nakakausap ko. Ika nga nila, parang showbiz ang buhay ko. (hindi dahil gwapo ko. Joke. Dahil madali akong mapalagay sa taong kausap ko at nagkekwento agad ako ng buhay ko. Pero isang bagay lang ang hindi open book sa personal na buhay ko. Mayroon paring misteryo na kaunting tao lamang ang nakakaalam. Isa ito sa dahilan ng blog na ito, ang maisigaw ko ang bulong tungkol sa bagay na ito dito.
  6. Napakadaling magtiwala pero mahirap buuin ulit kapag nasira na ito. Marami na akong karanasan at lessons sa pagbibigay ng tiwala sa isang tao. Marami na rin ang sumira sa tiwalang ibinigay ko. Pero hindi pa rin ako natuto. Good-natured lang siguro talaga ako. Everybody deserves a chance, but second chances are a different case.
  7. Mababaw ang kaligayahan. Mukha man akong suplado sa personal, mababaw alng ang mga trip ko. Madali akong patawanin. Masyadong mapaglaro ang isip ko at navivisualize ko agad lahat ng sinasabi sa akin kaya siguro ganun. animated agad sa utak ko lahat ng kwentong binabasa o kinekwento sa akin.
  8. Mapagmahal sa kaibigan. I value my friends like I value my family. Minsan na rin akong nawalay sa mga kaibigan nang dahil sa pag-ibig. Sana hindi na ulit mangyari yun. Marami akong kaibigan, iba't ibang grupo, iba't ibang klase ng tao. Pero iilan lang rin doon ang kaibigan ko.
  9. Multi-talented pero hindi ginagamit. Minsan naiisip ko nasasayang lang ang mga binigay sa akin. Tila wala akong mapag-gamitan ng mga ito. hehe Ngayon palang lumiliwanag ang pag-iisip ko na kailangan kong mag-stay sa core talents ko, na mag-isip ng paraan kung papaano ko gagamitin ang talents na ito para magkaroon ng impact sa kapwa ko. Sana makaisip agad ako ng paraan. hehe
  10. Mapagmahal sa pamilya. Hindi man ako gaano ka-expressive sa kanila. Mahal ng mahal ko ang pamilya ko. Kahit na hindi perpektong pamilya ang mayroon ako. Lubos akong nagpapasalamat sa ating Ama na binigyan Niya ako ng pamilyang gaya nito. Nagpapasalamat rin ako kung papano nila ako pinalaki kumpara sa ibang tao. Proud ako sa pagpapalaki sa akin ng magulang ko. May isang bagay lang din ako na inililihim sa kanila at hindi ko alam kung darating ba ang panahon na masasabi ko rin sa kanila ang tungkol dito. Ito ay katulad ng nakasaad sa number 5.
  11. Mapagmahal sa Diyos. Wala pang isang taon ng magkaroon ako ng personal relationship sa Kanya. Dala marahil ng sangkatutak na problema ng mga panahong yun, napag-isip kong Siya lamang ang maaring takbuhan ko sa kabila ng lahat ng ito. Sinusubukan kong maging isang mabuting kristiyano sa abot ng makakaya ko. Marami ng nagbago sa pagkatao ko simula ng makilala ko Siya. Ang laki na ng pinagkaiba ko sa dati kong sarili. Dati akong katolikong ayaw sa mga tradisyon nito. Konti na lang Atheist na ako noon. Kung tutuusin lumaki ako sa isang Katolikong paaralan, glee club at naglilingkod sa simbahan mula pagkabata. Pero wala akong pananampalataya gaya ng pananampalataya ko ngayon. At sana mapagtibay ko pa ito sa mga susunod pang araw. (preachy na, tama na..haha)
Nagtatawag na ng tanghalian ang Mama ko. Parang naubusan na rin ako ng sasabihin. Baka nagugutom na ako. Hindi pa rin ako pumapasok sa trabaho hanggang ngayon. (sa susunod na kwento na dito.) Looking forward na makakilala pa ng mga kaibigan, makapagbasa at makapagsulat pa ng magagandang kwento sa lugar na ito.

Bumubulong sa inyo,
Animo




Sssshhh...

Pagpasensyahan niyo na ang paraan ng pagsusulat ko. Wala talaga akong alam sa ginagawa ko. hehe 

10 komento:

  1. Welcome paps.

    Thanks pala sa comment sa entry ko. Malaking bagay yun.

    TumugonBurahin
  2. hmm, ano ba un dati mong blog? hehehe..
    tnx sa pag-follow :)

    TumugonBurahin
  3. Salamat sa pag-follow houseboy. You're always welcome.

    TumugonBurahin
  4. Salamat din sa pag-follow bloggingpuyat! Wag mo na hanapin yun, tahimik na raw ang buhay Nya. Hehe

    TumugonBurahin
  5. Animo! means "soul" in Latin. Thanks for sharing your soul to us..

    Thanks for pagsunod-sunod..hihihi..hope to see/hear from you more there..

    TumugonBurahin
  6. I'm Cebuano, minsan try ko mag sulat ng tagalog kaso di ko kinaya, naguguluhan ako, but for it's totally amazing reading things very visible in experience and real life. Maganda. Love it.

    TumugonBurahin